Bulkang Kanlaon
Ang Bulkang Kanlaon, na binabaybay din bilang Kanla-on o Canlaon, ay isang bulkang masigla na nasa pulo ng Negros sa gitnang Pilipinas. Nakasaklang ang istratobulkang ito sa mga lalawigan ng Negros Occidentalat Negros Oriental, na tinatayang 30 km (19 mi) sa timog-silangan ng Lungsod ng Bacolod, ang kabisera at pinakamataong lungsod sa Negros Occidental.
Ang bulkan ay isang paboritong pook ng mga mamumundok at pangunahing lugar ng Likas na Liwasan ng Bundok Kanlaon (Mt. Kanlaon Natural Park), isang pambansang liwasan NG unang inilunsad noong Agosto 8, 1934.[1][2] Isa ito sa masiglang mga bulkan ng Pilipinas at kabahagi ng sinturong ng apoy sa Pasipiko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento