Miyerkules, Nobyembre 22, 2017

Bulkang Kanlaon


Bulkang Kanlaon


Ang Bulkang Kanlaon, na binabaybay din bilang Kanla-on o Canlaon, ay isang bulkang masigla na nasa pulo ng Negros sa gitnang Pilipinas. Nakasaklang ang istratobulkang ito sa mga lalawigan ng Negros Occidentalat Negros Oriental, na tinatayang 30 km (19 mi) sa timog-silangan ng Lungsod ng Bacolod, ang kabisera at pinakamataong lungsod sa Negros Occidental.
Ang bulkan ay isang paboritong pook ng mga mamumundok at pangunahing lugar ng Likas na Liwasan ng Bundok Kanlaon (Mt. Kanlaon Natural Park), isang pambansang liwasan NG unang inilunsad noong Agosto 8, 1934.[1][2] Isa ito sa masiglang mga bulkan ng Pilipinas at kabahagi ng sinturong ng apoy sa Pasipiko.


Bundok Pinatubo


Bundok Pinatubo

Ang Bundok Pinatubo ay isang aktibong bulkan sa pulo ng Luzon sa Pilipinas, sa isang interseksiyon ng mga hangganan ng mga lalawigan ng Zambales, Tarlac, at Pampanga. Bago ang 1991, hindi gaanong napapansin ang bundok at mabigat ang erosyon. Makapal ang gubat nito na sinusuportahan ng mga ilang libo na mga katutubong Aeta, na lumikas sa mga patag na lugar patungong mga bundok nang sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas noong 1565.

Dumating kamakailan lamang ang pagputok ng bulkan noong ika-16 ng Hulyo taong 1991 pagkatapos ng 600 taong pagkatahimik, ang syudad nang Angeles ang sumalo nang galit nang bulkan, nasira sa pagsabog ang tulay nang abacan atbp. ang Porac pampanga sa pangangaaga nang dating alkaldeng si Roy David ay labis na nasira at naputol ang tulay nang Mancatian,lumikha nang isa sa mga pinakamalaki at pinakamarahas na pagpuputok sa ika-20 siglo nuong 15 Hunyo 1991 ang bundok at umabot sa taas na 25-30 Kilometro at 10 kilometro ang lapad nang pagsabog, Nagdulot ang matagumpay na prediksiyon sa pagputok ng paglikas ng mga libo-libong katao mula sa mga karatig na lugar, na nailigtas ang mga buhay, ngunit nawasak ang mga nasa paligid nito at labis na nasira ng mga pyroclastic flow, mga deposito ng abo, at sa kalunan mga lahar na sanhi ng tubig-ulan na muling ginagalaw ang mga naunang mga deposito ng bulkan. Libo-libong mga bahay ang nasira.

Naramdaman ang epekto ng pagputok sa buong mundo. Nagbigay ito ng maraming aerosol sa stratosphere—mas marami kaysa kahit anong erupsyon simula noong 1883 sa Krakatoa. Nagbuo ang mga aerosol ng isang pandaigdigang sapin ng asido sulpurikong abo sa mga sumunod ng mga buwan. Bumaba ang pandaigdigang temparatura sa mga 0.5 °C (0.9 °F), at nadagdagan ang pagkawasak ng ozone.



Chocolate Mountain


Chocolate Mountain

The Chocolate Mountains of California are located in Imperial and Riverside counties in the Colorado Desert of Southern California. The mountains stretch more than 60 miles (100 km) in a northwest to southeast direction, and are located east of the Salton Sea and south and west of the Chuckwalla Mountains and the Colorado River. To the northwest lie the Orocopia Mountains.

Lunes, Nobyembre 20, 2017

Taal Volcano


Taal Volcano

  1. Ang Bulkang Taal, na tinagurian din bilang Pulong Bulkang, na nasa Lawa ng Taal sa Batangas, Pilipinas.Ang Bulkang Taal ay mayroong taas na 984 na mga talampakan o 300 mga metro, na naglalaman ng isang maliit na bunganga o crater na pinangalanang Lawang Dilaw. Sumabog ang bulkan nang 25 mga ulit magmula noong 1572, at ang pinaka kamakailan ay noong 1970.

Bulkang Mayon


Bulkang Mayon 

Ang Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa Kabikulan. Unang hinihayag bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo 1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000.

Ayon sa mga volcanolohigo, isa itong stratovolcano o kompositong bulkan. Ang tila simetriko niton kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Dahil umaabot ng halos 50 beses na ang mga pagsabog nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate boundary1 sa gitna ng Platong Eurasian at ng Plato ng Plipinas.

Ang bulkang Mayon ay may 47 pagsabog sa kasaysayan; ang una ay sa taong 1616, ang pinakahuli ay may katamtamang pagbuga ng lava noong Hunyo 2001. Ang pinakamalakas na pagsabog ng bulkang Mayon ay noong 1 Pebrero 1814. Natabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa at may 1,200 taong namatay. Ang bell tower ng simabahan ng bayan ang nakikita na lamang sa ibabao ng lupa. Pyroclastic flows, ang mainit na abo ang nakapatay sa 77 katao, karamihan magsasaka, sa huling malakas na pagsabog ng Mayon noong 1993. Sa taong 1984, mahigit 73,000 katao ang pinaalis sa 'danger zones' ayon sa mga scientists ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, wala naman naulat na may namatay